Thursday, February 11, 2016

Baliwan 101

Sa pagiging distress lagi sa buhay, minsan na e'inspire tuloy ako na sana maging baliw na lang. Feeling ko kasi wala na silang feelings, tila wala na rin silang kapagoran kakalakad kahit saan, parang hindi na rin sila na gugutom---at kung gutom man unli naman pagkain nila sa daan...weeeheee... =)

Bilib rin ako sa confidence nila. Wala silang pakialam anuman sabihin ng mga tao sa kanila, wala silang pakialam sa pamatay amoy nila, sa damit nila, sa buhok, sa paa, sa langaw, sa dumi, sa matraffic na daan, sa lubak na kalsada, global warming, baha, mahal na bill ng kuryente, internet, cell phone load, bigas, leptospirosis, kung corrupt nga ba si binay, kung mananalo nga ba si duterte, kung bakit may FB at IG na, o sa 1D kung nagkawatak-watak man sila....Ang sa kanila lang----ay ewan ko ba...


Sa tingin ko ang lakas rin ng immune system nila-----kasi kahit palaboy-laboy sila sa daan---under the sun at biglaang ulan-----never ko pa silang napansing umuubo o nagkasipon man lang... O diba? para silang mga zombie...pero di lang nanganga-in ng tao---nambabato lang, nangdudura, nangangaway, nanghihingi, at kung anu-ano pa...Pero bilib rin ako sa mga normal na tao dahil okay lang din sa kanila---kumbaga normal lang sa kanila....O dibah? gusto ko na talaga maging baliw.....wala rin kasi silang pakialam sa mundo....waaaaaaaaaaaaaaah...!!!

Sabi nga ni Paulo Coelho sa librong sinulat nya "If one day I could get out of here, I would allow myself to be crazy. Everyone is indeed crazy, but the craziest are the ones who don't know they're crazy; they just keep repeating what others tell them to.” 

Di ko masyado matranslate pero isa lang ibig sabihin nyan na baliw man sila eh normal din sila sa sarili nilang mundo..mas ok na yun kaysa maging pabigat ka o pasaway ka sa gobyerno at wala kang naitulong sa ekonomiya. Charot! 

baliw na rin siguro ako sa ka-iisip nito...hehehe 

salamat sa pagdaan,

russ d'great


11 comments:

len said...

Hahahahahahah may point, try ko to minsan hehehehe

Kirk said...

hahaha ito yun eh... wag lang sana ako habulin ng baliw sa daan kasi hahabulin ko din sila. Hehehe

louisonfirex said...

Hehehe natawa ako dito but yeah wala silang pakialam talaga sana ganun din ako coz there's too much shit in this world. Charmos. @russdgreat pwede kba add sa fb? :)

Chenchen said...

Di ko mapigilang di magbasa. Short lang pero naaliw ako. Dali na magbaliwan na tayo. Hehehe

Jayjay said...

Haha dapat pinalitan mo na din background music yung fit sa baliwan post mo! ;) sana sa balemtayms may post tungkol sa lab nman tagalog din sna hahaha :P

ruselle canlas said...

Haha di nyo lang alam hirap ko mgsulat ng tagalog. Tagalog na nga wrong grammar pa din.lol

ruselle canlas said...

Tara chen! Haha.

ruselle canlas said...

There's too much badass in this world hehe isa nko dun lol

ruselle canlas said...

Hirap mgtagalog kirk. Lol

ruselle canlas said...

Hi len. Thanks for dropping by.

louisonfirex said...

I added you on fb pa accept po mam..salamat po