Sa pagiging distress lagi sa buhay, minsan na
e'inspire tuloy ako na sana maging baliw na lang. Feeling ko kasi wala na
silang feelings, tila wala na rin silang kapagoran kakalakad kahit saan, parang
hindi na rin sila na gugutom---at kung gutom man unli naman pagkain nila sa
daan...weeeheee... =)
Bilib rin ako sa confidence nila. Wala silang
pakialam anuman sabihin ng mga tao sa kanila, wala silang pakialam sa pamatay
amoy nila, sa damit nila, sa buhok, sa paa, sa langaw, sa dumi, sa matraffic na
daan, sa lubak na kalsada, global warming, baha, mahal na bill ng kuryente,
internet, cell phone load, bigas, leptospirosis, kung corrupt nga ba si binay,
kung mananalo nga ba si duterte, kung bakit may FB at IG na, o sa 1D kung
nagkawatak-watak man sila....Ang sa kanila lang----ay ewan ko ba...
Sa tingin ko ang lakas rin ng immune system
nila-----kasi kahit palaboy-laboy sila sa daan---under the sun at biglaang
ulan-----never ko pa silang napansing umuubo o nagkasipon man lang... O diba?
para silang mga zombie...pero di lang nanganga-in ng tao---nambabato lang,
nangdudura, nangangaway, nanghihingi, at kung anu-ano pa...Pero bilib rin ako
sa mga normal na tao dahil okay lang din sa kanila---kumbaga normal lang sa
kanila....O dibah? gusto ko na talaga maging baliw.....wala rin kasi silang
pakialam sa mundo....waaaaaaaaaaaaaaah...!!!
Sabi nga ni Paulo Coelho sa librong sinulat nya
"If one day I could get out of here, I would allow myself to be crazy.
Everyone is indeed crazy, but the craziest are the ones who don't know they're
crazy; they just keep repeating what others tell them to.”
Di ko masyado matranslate pero isa lang ibig
sabihin nyan na baliw man sila eh normal din sila sa sarili nilang mundo..mas
ok na yun kaysa maging pabigat ka o pasaway ka sa gobyerno at wala kang
naitulong sa ekonomiya. Charot!
baliw na rin siguro ako sa ka-iisip
nito...hehehe
salamat sa pagdaan,
russ d'great