wala namang masyadong nangyari sa buhay ko ngayong araw na 'to, actually i'm feeling so lonely pero, confused ako.. wala lang, gumising ako ng maaga as usual para magtrabaho, naligo, nagbihis, kumain, ngsipilyo, nag-ayos tapos yon ready for work na..
ganun din, sa office nandun si Rj, ang aking kakulitan sa loob ng opisinia, si thal, na aking kaibigan at si donna na sobrang kulet at galit din sa mundo tulad ko.. peace donskie! ganun lang talaga routine ng buhay ko, monotonous, nakakasawa, mas masarap pa ngang tumunganga.. hanggang sa may nabasa ako sa cp ko..
ganito un, ayoko nang ilagay pa ang nabasa ko dito verbatimly pero ang point ko nasira araw ko dahil dun, ang cellphone ay nakakainis, nakakairita, nakakakunsumi, masarap na nga hindi gumamit ng cellphone eh kung hindi lang kelangan sa trabaho.. cellphone lang yan, pero naasar na ako biruin ba naman eh pagbintangan akong nakipag-usap daw ako sa kaibigan nya or sa ex nya hindi ko alam, and gusto ko lang iklaro dito na hindi ako mahilig mangilam sa buhay ng ibang tao, kung may tiwala ka sakin magtiwala ka lang di ka magsisisi..
anong akala mo sa sarili mo? na i'm so into you para gawin ko pa ang mga bagay na kung sa sarili mo tatanungin eh malamang sagutin mo ay hindi kung talagang kilala mo ako, tao din ako, marunong masaktan, magtampo, simple nga lang ako patawanin eh tapos ganun pa.. tanggap ko lahat ng sinabi mo, tanggap din kita bilang ikaw, kaya kong sagutin mga tanong mo pero pwede ba na ako naman ang intindihin mo? sawang sawa na ako sa ganito..
alam mong ayokong banggitin ang pangalan na un pero sarili mong tx di mo maintindihan, masarap ng hindi mag cellphone at magpalit ng number, lahat pa naman ng ginawa ko eh para lang mapalapit sayo, ngayon na nangyari na, kelangan ko ba magsisi? mag back out? hindi ko talaga alam, sawa na ako sa kakahabol at kakasabing pwde ka pang gumawa ng magagandang bagay sa buhay.. sana pag wala na ako at di mo na ako maramdaman eh maalala mo yong mga sinabi ko sayo..
masarap gawin ngayon: mgpalit ng number
masarap gawin sa cellphone: itapon sa basurahan
masarap gawin sayo: kalimutan kahit alam kong hindi mangyayari..
masarap sabihin sayo: tang-ina mo hindi ako usisera, sana sa 4 na buwan na tayo eh nag uusap eh may nalaman ka man lang tungkol sakin at sana eh may nakuha ka man lang mula sakin.. alam kong may memory gap ka pero ewan ko.. hindi ko na alam.. as in i really dunno.. :(
ayoko na magpatuloy,
russ d'great