si bob ong ay nakilala ko nung ako'y nag-aaral pa lamang sa kolehiyo, siya ang best selling author sa library namin, most of the time naka out lahat ng libro nya kasi hiniram na ng mga kabataang walang ibang gawin kundi ang magbasa ng mga pangaral at kalokohang madalas topic sa mga libro nya. di naman ako fanatic pero bilib ako sa kanya, simple lang 'yong mga life lessons na tinutumbok nya pero tumatagos sa puso naman kahit papano, ang pinakabilib ako dun eh 'yong humor na dala ng bawat salitang nilalaman ng sinulat nya. siguro kung kilala ko siya sa totoong buhay eh magka-vibes siguro kami kasi gusto ko talaga 'yong mga mapagbirong tao, hahaha... nakakatuwa lang 'tong nabasa kong mga tip sa pagpapakamatay na isinulat syempre ni bob ong.. tip sya sa pagpapakamatay diba? pero hindi ibig sabihin gusto ko na ding magpakamatay, sa mga babasahin nyo, marerealize nyo na parang kabaligtaran ang gusto nyang iparating, na hindi dapat magpakamatay, na dapat pahalagahan natin ang buhay at ang mga mahal natin sa buhay. It's where humor comes in.
TIP SA PAGPAPAKAMATAY- PART 1 MUNA!
1.
Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.
2.
Kung desidido ka na sa gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagpapakamatay. Ang mga popular dahilan ay ang pagbibigti, pag-inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka ng ulo pero buhay ka pa rin), at paglalaslas ng pulso.
Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga
Tandaan na maari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sa iyo.
Bukod dyan, marami sa mga paraan na ito ang makalat at nakakapangit. Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.
3.
Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong buhay, kaso lang bad trip sila lahat.
Pero wag ding kalimutang humingi ngtawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo.
At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi namurder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.
nakuha ko pa talagang mgsulat ngayon samantalang i'm super exhausted talaga, it's not a surprise anymore for us na marami kaming ginawa kanina sa office kasi payroll period nga naman ngayon, maraming ngbayad ng bills, ng deposit, withdrawal, lahat na, nakakapagod talaga,tapos sinalihan pa ng palpak kong officemate na gusto ko sanang sabihin mgpakamatay nalang siya, pero super mean ko na kung gagawin ko pa 'yon and it's not right to do so, kaya nga sinulat ko 'to para makakuha siya ng tip kung sakali man..haha. joke lang.. actually, private property ko 'tong blog kong 'to kumbaga dito ako nakakapagbuhos ng totoong nilalaman ng damdamin ko, at nakakapag-whine din ako dito so super secret to sa mga taong bina blog ko..hahaha.. kaya... goodluck sa kanila at least may outlet ako.. hay.. hanggang dito nalang muna mga pipz...
@_@ russ d'great